How to Start an eLoad Business?

How to activate your sim for FREE?

Tama po! Libre po! wala po kayo kailangan bayaran o bilhin! No registration fee. No processing fee. No set-up fee. Wala din pong quota for LoadCentral retailer accounts.

Ang hiling lang po namin ay paki like po ang mga Facebook pages at basahin po ng mabuti at sundin ang mga steps & instructions na naka sulat dito sa aming website. Tagalog na po para madali pong maintindihan. Lahat po ng mga dapat gawin ay nakasulat na po dito. Simula po sa kung paano mag register, paano mag verify ng deposit para po sa LoadCentral wallet po ninyo hanggang sa kung paano mag benta. Mag basa lang po ng mabuti at sundan ang mga steps.

Simulan na po natin! Step #1 po tayo.

Step #1 : Like the following Facebook Pages

LoadCentral Retailer Registration is absolutely FREE! we are not charging any registration fee or set-up fee. In return, all we ask is for you to like the following Facebook pages.

Thank you in advance.

Step #2 : Fill up the LoadCentral Retailer Registration Form

Mag fill-up ng aming LoadCentral Retailer Registration Form. Siguraduhing naka OFF ang inyong CAPS LOCK button.

HUWAG gumamit ng ALL CAPS habang sinasagutan ang form dahil ito ay katumbas ng pag HIYAW o pag SIGAW. Pakiusap, huwag po tayong bastos. Maging magalang at magsanay ng mabuting Netiquette.

PAALALA
Pagka pasa ng inyong LoadCentral Retailer Application for Registration, may matatanggap po kayong email. Maari po lamang na paki basa po ng mabuti ang email at pakisundan po ang mga link at basahin ng mabuti ng mga naksulat sa page.

Step #3 : Update your Passwords

Pagka tanggap niyo na po ang SMS and email confirmation na nag sasabing registered na po kayo… palitan po agad ang mobile password po ninyo using your registered mobile number.

To change your SMS password

I text ang : CHANGEPW Old Password New Password at i-send to LoadCentral Access #.

CHANGEPW 123456 654321 send to 09229990214 123456 po ang default password at ang 654321 ang bago po niyong password.

Puntahan itong PAGE na ito para sa LoadCentral Retailer SMS Guide.

To change your Webtool passowrd

Palitan ang webtool password by logging in sa LoadCentral Webtool. Default password : 123456.

Puntahan ang PAGE na ito para LoadCentral Retailer Webtool Manual.

Ano Mangyayari Kung Hindi Papalitan ang mga Passwords?

As a security measure ng LoadCentral system, nag auto lock po agad ang account just in case hindi po niyo napalitan agad ang password at ni loadad po niyo ang LoadCentral wallet po niyo. Alam po ng lahat na ang default password is 123456. So, kung ni loadan mo yang account mo at hindi mo pinalitan ang password mo at alam ng ka opisina mo, kalaro mo in-game and kung sino pa ang mobile # mo na naka register sa LoadCentral, pwedeng pwede po nila i access at gamitin ang wallet load mo.

PAALALA

SIGURADUHING MAGKA-IBA ANG MGA PASSWORDS. HINDI PO PWEDENG PAREHAS.

Step #4 : Add funds to your LoadCentral Wallet

Mag deposit po sa any bank accounts ng Uniwiz Trade Sales Inc. – main office po yan. Bisitahin po itong PAGE para po sa listahan ng bank accounts para po sa inyong LoadCentral wallet replenishment.

Knowledge Base

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa deposit verification and wallet replenishment cut off times at provincial deposit fees bisitahin ang ePins.biz LoadCentral Knowledge Base.

Want to load your wallet using PayMaya or GCash?

Tumatanggap po ng PayMaya at GCash ang ePins.biz LoadCentral for wallet replenishment. Visit this PAGE para malaman kung paano.

Step #5 : Submit your Deposit Details for Verification

Siguraduhing po lamang na KLARO at MALINAW ang photo or scanned copy ng transaction details para hindi po may delay ang pag verify at sigurado pong pasok sa cut-off

Uniwiz Trade Sales Inc. Deposit Verification

I-verify po ang deposit gamit ang LoadCentral Webtool or LoadCentral Automated Deposit Verification.

Siguraduhing tama po ang mga syntax na ipapadala po ninyo kung hindi, wala pong mangyayari at wala din po mag re-reply sa text.

Nahiirapang mag pa verify?

Kung nahihirapan po kayo mag verify ng inyong deposit, pwede po ninyo gamitin ang Uniwiz Deposit Verification Form Assistance. May password po ang form. Ang form na ito at EXCLUSIVE lang po sa mga retailers & subdealers registered under ePins.biz.

Para makuha ang passowrd – mag send ng message sa Facebook gamit ang messenger – http://m.me/epinsbiz. I-provide ang inyong ePins.biz LoadCentral registered mobile# at ang iyong ePins.biz Passkey.

NO PASSKEY = SEEN ZONE. Sorry po at hindi po namin kayang magsayang ng oras. Please cooperate po at hwag na po natin sayangin ang oras ng isa’t isat. Paki sunod nalang po ang simpleng instruction. salamat po

Knowledge Base

Please visit the ePins.biz LoadCentral Knowledge Base for the deposit verification and wallet replenishment cut off times.

Step #6 : Start Selling

Bisitahin ang PAGE na ito para sa guidelines kung paano magbenta gamit ang SMS Syntax.

Bisitahin ang PAGE na ito para sa guidelines kung paano magbenta gamit ang LoadCentral Webtool.

Bisitahin ang PAGE na ito para sa guidelines kung paano magbenta gamit ang OFFICIAL LoadCentral Retailer App for Android Devices.

Karagdagang Mahalagang Impormasyon

Download

Puntahan ang aming Downloads Page para sa latest LoadCentral Discount Structure, Printer Friendly Brochures, LoadCentral Guides at Manuals.

Subscribe

Maaari mag subscribe sa aming RSS feeds upang maka tanggap ng email tungkol sa mahahalagang LoadCentral updates at advisories.

Social Media Accounts

Sundan ang aming opisyal na Facebook page para sa mahahalagang LoadCentral updates at advisories.

i-Like naman po ang ePins.biz facebook page para po sa mga ePins.biz updates and advisories tulad ng : deposit verification schedule, kung may problema po kami sa DSL connection, walang kuryente at iba pang dahilan na maaaring maka apekto sa pag load ng iyong LoadCentral wallet.

Follow us on Twitter para sa updates in 140 characters : https://twitter.com/ePinsbiz.

Kailangan ng tulong?

Bago po kayo mag magbukas ng support ticket online, kami po ay nakikiusap na kung maaari po lamang na mag basa basa po muna. Halos lahat po ng impormasyon ay nakasaad na po sa aming website.

Ang aming Knowledge Base Section ay makakapag bigay ng sagot mga karaniwang katanungan bago po ninyo kunin ang aming oras sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang support ticket para sa impormasyon na saad sa aming website.

Nauunawaan namin na maaaring mangailangan ka ng suporta sa ilang mga punto at nais po namin ipa alam na kami ay dito upang makatulong.

Kung hindi mo mahanap ang mga sagot at solusyon sa mga mas teknikal na isyu tungkol sa inyong LoadCentral account, mangyaring magbukas ng support ticket online sa http://support.epins.biz.

Share, like, tweet or +1 this post to your friends

How to Start an eLoad Business? was posted on Monday, 16th May 2016 by ePins. biz LoadCentral. Last Modified : October 3, 2018 8:22pm.

For questions or comments about this article, please contact ePins.biz LoadCentral by creating a support ticket online at http://support.epins.biz.